| |
Bakit si Jonas Burgos Sherlyn Cadapan Karen Empeno? Di ba’t pinili nilang ilaan ang panahon At oras sa piling ng mga magsasaka? Bakit si Prudencio Calubid Philip Limjoco Rogelio Calubad Leopoldo Ancheta Leo Velasco At Cezar Batralo? Di ba’t sila ay para sa usaping pangkapayapaan? Bakit si Celina Palma Gloria Soco Ariel Beloy Mga kaanak ni Prudencio Calubad Anak ni Rogelio Calubad Bakit si Romulo Robinos Kapatid ng aktibista? Biktima rin sila! Bakit ang tatay ko? Isang manggagawa Aktibista! Aktibista! Aktibista! Tinutugis! Hinahanap! Kaaway ayon sa estado. Tatlong araw Isang linggo Dalawampung taon Binibilang ang araw Ang buwan Maging ang taon Asawa Anak Magulang At ako Naghihintay sa iyong pagbabalik. Nasaan sila?  Nasaan ang tatay ko? Aktibista lang ako. - Guy Portajada Spokesperson DESAPARACIDOS
| | |
|
|