"speak, in, the, dark, what, the, light, believes, of, it,is poetry"

Photo Albumka belMay 30, '08 6:41 AM
for everyone
Ilang Samo kay Ka Bel, at Pamamaalam

- tula ni Luchie Maranan


Halina, Ka Bel,
Turuan kami sa pag-unawa sa
Pait, tamis, at silakbo ng iyong
walang hanggang kwento ng pakikibaka,
Himaying muli ang salaysay ng iyong
Maningning na buhay
Ipinta muli ang landas na tinahak
Sa sigwa at unos ng kasaysayan.

Sa mga bukid na sinuklay at inararo ng mga pag-aaral
Kapiling mo’y mga magsasaka na kawaksi ang adhikain
Butil ng mga mumunting tagumpay
Ay mga pangakong aanihin sa darating na panahon

Ang mga bundok na nagbigay-kanlong sa panganib
Naging mahigpit na paghahanda sa mga paghamon
At sa mga lansangang iyong binagtas,
Kasama, kapanalig, ama, kaibigan, kapatid ka ng anakpawis
Na di natitinag sa proletaryadong kumpas.

Sa mga pabrikang gamay mo ang tibok at pulso
Sa bulwagan ng kongreso ng estado
Mga katagang ipinukol mo sa mapang-api’ ganid
Ay latigong humagupit at lumalatay.

Sa iyong mga pakikisangkot at pagtatanggol
Sa sambayanang sumusuhay sa lipunan,
Sa dakilang pag-aalay ng buhay sa
Iba’t ibang larangan ng kilusan sa bayan
At lahat ng sulok ng mundong
May pinagsasamantalahan ng mga gahaman
Ika’y inukit sa diwang mapanglaban.

Sa lahat ng iyong pinanindigan
Mabangis ang tugon ng estado
Tinugis ka at sinukol upang busalan
Tinikis ang panawagan sa iyong kalayaan
At tinangkang ipagbanduhan ang pagtanikala
Sa tinig ng anakpawis sa bimbinan

Halina, Ka Bel,
Samahan kaming tumawid
Sa tulay ng iyong buhay
Akayin kami sa mga estero’t pabrika
Ng bayang ipinaglaban.

Sa iyong di natapos na panata
Sa uring minahal at dinakila
Patuloy kaming susuot sa bituka ng mga
Lansangan na iyong nilakaran
Handa pa rin kaming humanay sa mga piketlayn
Barikada’t welgang bayan

Patuloy na humihinga ang iyong alaala
Patuloy ang iyong paghamon sa aming diwa
Patuloy ang alab ng iyong paninindigan
Ang bayang lumalaban
Ay bayang lalaya
Ang kilusang di magagapi
Ay sambayanang tiyak na magwawagi.

Mayo 21’08

***photos taken : may 24, 27, 28

ka bel_baguio.jpg
  
baguio_2.jpg
  
baguio_1.jpg
  
at_ifi.jpg
  
at_ifi_2.jpg
  
at_ifi_3.jpg
 2 Comments 
at_ifi_4.jpg
  
at_ifi_5.jpg
  
at_ifi_viewing.jpg
  
at_ifi_6.jpg
  
at_ifi_nanaymameng.jpg
  
at_ifi_ka_daning.jpg
  
at_ifi_dkk.jpg
  
at_ifi_7.jpg
  
congress_ka bel_picture.jpg
  
congress.jpg
  
congress_march.jpg
  
congress_march_2.jpg
  
waiting_for_ka_bel_3.jpg
  
waiting_for_ka_bel.jpg
  
waiting_for_ka_bel_2.jpg
  
pallbearers_1.jpg
  
march.jpg
  
march_2.jpg
  
march_3.jpg
  
pallbearers.jpg
  
march_4.jpg
  
march_5.jpg
  
march_7.jpg
  
march_6.jpg
  
march_8.jpg
  
convoy_waiting for ride.jpg
  
convoy_motorcycles.jpg
  
convoy_to_bulacan.jpg
  
bulacan_rest.jpg
  


kapemuna wrote on May 30
panalo ito, ha.
audreybeltran wrote on Jun 1
panalo ito, ha.
salamat sa kasamang tumayo sa pwestong yan:)
kapemuna wrote on Jun 1
si noel barcelona 'yan ng pinoyweekly. miyembro rin siya ng arrest. :)
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help